Monday, October 3, 2022

Pag-Usad (song)

 


photo taken in 2021


PAG-USAD (song)


Natapos din, ngunit hindi nakamit ang ninanais, ang pinaghirapan mo.

Hindi lahat ng layunin ay makakamtan, 'di ibig sabihing ito'y walang kahulugan.


Maglakad at maglakbay, ikumpas ang iyong kamay sa pintig ng iyong puso kahit na...


Tila naisantabi ang layunin.

Nakapikit ang katabi at nasisilaw pa sa liwanag ng pag-asa

Ayos lang, hawakan ang kanyang kamay.

At magpatuloy sa pag-usad...


At sa iyong paglakad, ang daan ma'y mabato

O baka maputik ang tatahakan mo.

Natural lang yan, may daan ding aspalto

Huwag mag-alala, kasama mo ako...


Maglakad at maglakbay, ikumpas ang iyong kamay sa pintig ng iyong puso kahit na...


Tila naisantabi ang layunin.

Nakapikit ang katabi at nasisilaw pa sa liwanag ng pag-asa

Ayos lang, hawakan ang kanyang kamay.

At magpatuloy sa pag-usad...


-Ivee B.

No comments:

Post a Comment